Post Page Advertisement [Top]

EntertainmentSportsTrending

Netizens, Nag-React Matapos Ibunyag Ni Chix Ang Mga Kasinungalingan Ni Dogie Tungkol Sa Break-Up Nila!


Maraming netizens ang nabigla sa break-up ng social media couple na si Ako si Dogie at Chixmiss. Kamakailan lang ay ibinunyag ni Dogie na matapos ang eight years na pagsasama nila, napagdesisyunan nilang maghiwalay na. Maraming netizens naman ang na-curious tungkol sa hiwalayan ng dalawa, at mas nalinawan naman sila nang nagsalita na si Chix sa kanyang vlog.


Sa kanyang video, kinumpirma ni Chix na hiwalay na sila ni Dogie. Ngunit ang mas masakit pa dito, matapos ang kanilang hiwalayan ay mayroon pang lakas ng loob si Dougie na magsabi ng hindi magandang bagay tungkol sa kanyang ex-girlfriend. Ito ang nag-udyok kay Chix na magsalita na upang sagutin ang mga akusasyon na ibinabato sa kanya ni Dougie sa publiko.


“Kailan ba ko nagsalita? Kailan ba ko nagsalita on public about sa kanila? Di ba palaging hindi na lang ako nagsasalita, kahit sobrang sakit marinig yung mga pagja-judge sa akin, marinig lahat. Ito lang ang kauna-unahan na maririnig nyo ko magsalita about this topic, about this issue.”


Ayon kay Chix, walang katotohanan ang mga kasinungalingan at chismis na pinapakalat ni Chix. Kahit kailan ay hindi niya raw siniraan si Dougie, at sa 8 years nilang pagsasama, aminado si Chix na nagsimula sila sa maliit, at magkasama silang umasenso sa buhay. Kaya naman masakit para sa kanya na sinisiraan siya ni Dougie ngayon.


“Ilang beses ako naghabol, sobra. Pero ni minsan din ko sinukuan si Dogie. Unang break-up, nakipagbreak second time siya na naman. Sobrang sakit marinig nun di ka na mahala ng isang taong minahal mo, binigay mo lahat. Pero di ko naman pwedeng pagsiksikan sarili ko.”

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]